Maligayang Pasko Mula Kay Ninang Byter
December 24, 2009Isang tulog nalang (iyan ay kung natutulog ka pa) Pasko na. Ilang oras nalang Pasko na pero nandito parin ako sa lungga ko, malamang nagse-senti na ang Nanay ko dahil pasko na bukas hindi pa ako umuuwi sa barracks ng Robles family. Pero, uuwi na rin bago mag-noche Buena dahil baka hindi na ako papauwiin ng commander-in-chief namin ng boung taon ‘pag hindi ako maka-pag report sa Pasko.
Sa mga katambay ko na sumisilip parin sa tambayan kahit wala na masyadong updata, Meri Christmas sa inyo at super thank you. Gusto ko rin mag-apologize kasi wala nang update. Medyo nagha-hang kasi sense of humor ng Ninang Byter, out of coverage area most of the time. Lately, I have hard time composing article na hindi nire-research, side-effect pa yata ito ng impatso ko sa damn thing called love.
One of my wish this Christmas is to get it out of my system, so that I will be back to my bubbly and sunny me. I don’t like this “me” right now. I have to get him out of my system and the journey continues. Tskk… tssk… ano yun? Pati ako nahihirapan ng mag-interpret sa sarili ko. Hayzz…
I’m supposed to post my wishlist, pero hindi ko na itutuloy kasi for one thing, may mga nakilala sa akin personally na nagbabasa ng mga post ko sa tambayan, ayaw kung ma-alaska muna. And second thing, alam naman ni Bro what I want, not just for Christmas. Binubulong ko sa Kanya yan every night, kaya alam na nya yun. Pero ewan ko bakit di pa nya binibigay, pero buo parin tiwala ko na ibibigay nya in right time. Parang sinasabi lang nya na… “Relax Byter, chill! ‘Wag kang masyadong hotness… K! relax!” Gets, ko naman ang nais Nyang ipahiwatig kaya, chill muna ako. Naniniwala ako sa hardwork at perseverance para makuha mo ang mga minimithi mo, pero meron ka talagang mga minimithi na Sya lang ang pwedeng mag-bigay. Kaya wait lang ang Ninang nyo kung kelan Nya yun ibibigay, pero sana ASAP na.
Sa mga Katambay ko, sana matupad din mga wish nyo, kung ano man yun. Kung hindi man, wag kang mag-sawang ibulong kay Bro ang minimithi mo. I know in right time, ibibigay nya yun. At please wag nyong gawing x-mas ang Christmas, kasi it’s a sign of disrespect to Him, parang binubura mo Sya sa pasko. Antok na ako, its 2:20AM….
Maligayang Pasko mga Katambay! I love you all. (sabay flying kiss at wave sa audience)
P.S . To those who cannot understand Tagalog hit this link to translate. (Kahit para Kolehiyala na sabog sa albatross ang translation ok na rin at least understandable.)




