Me and My New Haircut
April 6, 2009I supposed to post this last Sunday (last week), the day after I punish myself and cut my long, black, shiny hair (kasama na ang split-ends) kaya lang masyadong plus tinamad mag-type ang ninang Byter so ngayon lang nai-post ang walang kwentang article na ‘to.
Why, bakit, ngaa? Yan ang sari-sari tanong sa akin ng aking mga friendship, fans at mga kunwaring friends at kunwaring mga fans. Napaisip tuloy ako. Bakit ko nga ba pinaputulan ang hair ko?
a. Bigo ako?
b. Frustrated?
c. In-love?
d. None of the above
Correct answer: D as in none of the above. Bakit ko sinalaula ang gorgeous hair ko? Wala lang feel ko lang para maiiba naman, in short nagpapansin lang….hehe! Actually, nagsawa lang talaga ako sa long hair ko, yung lang trip ko lang…ganon lang.
Nang tinanong ako ng friendly neighborhood gay sa saloon kung anong klaseng hairstyle ang gupit wala akong maiisip kasi hindi ko rin naman talaga pinag-isipan. Ito yung magulong transcript of interview ko with the chemverloo eklavush na x-men (dating lalaki) nag-salaula sa buhok ko.
x-men: Ano bang gupit ang gusto mo girl?
Byter: Kahit ano… basta just cut it short, yung above my shoulder.
x-men: Sigurado ka ba dyan nena… hindi ka ba naawa sa hairlaloo mo? Gusto mo i-rebond nalang natin para gumanda ang bagsak nag hair mo.
Narrator: Si Byter ay inuuto ng chemverloo eklavush na x-men akala nya mayaman si Byter kasi may suot na iPod at may dalang laptop. Ang hindi nya alam kasing tanda na ni Steve Jobs ang iPod ni Byter at malapit ng mamaalam ang laptop dahil sa sobrang daming torture na pinagdaan.
Byter: Magkano ba yung rebond? (nag-tanong kunyari may pambayad)
X-men: Wan-tu lang, discounted na yan nena…
Byter: Ano akala mo sa akin nakapag-asawa ng mayaman! Hindi pa ako nabayaran ng Reviewme at Rentacoder kaya wala akong pambayad sa rebond. Saka nalang pag makapag-asawa ako ng mayaman.
X-men: Sayang ang hair mo nena.
Byter: Kung naghihinayang ka dyan, di isupot mo at i-uwi sa inyo. Tip ko nalang sa iyo yan.
Narrator: Naimbyerna yata ang chemverloo eklavush na jhokla na mukhang drum na nagiging tao. Biglang nirabrab ang gorgeous long hair ni ninang Byter. Goodbye my beautiful, gorgeous long hair…paalam…adieu…ciao… Nang matapos ang eksena ng pagmurder ng aking hairlaloo, inuto naman si Byter ng chemveloo.
X-men: Ay…bagay ang style sayo nena. Mukha kang bumata. (Interpretation: Naging mukha kang retarded…) I-biohair chuva mo kaya para lalong gumanda ang bagsak ng hair mo?
Byter: Magkano naman ang ka-eklatan na bio chuva nay an.
X-men: Mura lang ateng, 5 hundred islands of pangasinan lang.
Byter : Sigurado ka maganda yan ha!
X-men: I swear to the moon and the stars in the sky. (ngayon ko lang na realize lyrics pala yun ng kanta)
To cut the long story short, nauto ako. Pero infairness gumanda talaga ang bagsak ng hair ko sa bio-chuva. Hindi na ako mukhang retarded na sinalakay ng sampung kabayo, nag mukha akong tao. But short-lived lang pala ang hatid na kagandahan ng bio chuva kasi after 2 days parang biglang may sariling pag-iisip ang mga buhok. Mayroon ng silang sariling direksyon kung saan pupunta.
Pagka-next day pumasok ako sa school, marami namangha sa bagong haircut ko. Bigla akong sinalubong isang ka-bonding ko. Ang sabi “Ay manay ang ganda ng hair mo. Bagay na bagay sayo. Gumanda ka, nagmukha kang bata at sumeksi ka! May load ka? Pa-text naman…” Anak naman ng tatay at nanay nya! Hindi man lang pinalipas ang 10 seconds bago humirit ng libreng text para naman kahit papano naniwala naman ako.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.





hahaha! bagong hair. ayus may bago na pala paraan kapag nakikitext. sa barbero ka na lang magpagupit. wala nang sabi-sabi, putol agad.
Posted by bioniclugaw at April 8, 2009, 6:52 am