Tagalog Jokes Collection #5
March 22, 2009Tumambay, tumawa at matuwa sa mga walang kwentang jokes na nakalap at naisip ng aking big juicy brainy brains.
“…for I am wonderfully made…” PSALM 139:14
Interpretation: Nilikha akong maganda at kahalihalina!
Wag ka nang kumuntra baka ma-karma ka… Holy Scripture na ang may sabi nyan.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Dalawang pipi nag-away
Pipi1:
Pipi2:
Pipi1:
Pipi2:
Pipi1:
Pipi2:
Grabe ang away nila noh? How sad, sayang ang friendship nila.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Minsan sa pag-ibig kailangan nating pumili. Ikaw, sino pipiliin mo? Yung taong mahal ka O ang pusa ng nagbe-breakdance?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Tanong: Tayo dalawa na ba?
Sagot: Hindi pa. Betty La Fea pa lang
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Tanong: Sino asawa ni Mr. Bean
Sagot: Si Abrila Bean (yung kumanta ng Hey, hey! You, you! I could be your girlfriend…)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Byter: Bakit ka dyan naghihilamos sa inodoro!?
Rougan: Bakit! Malinis naman at malinaw ang tubig dito ah!
Byter: Oo nga. Dyan nga ako umiinom eh. Tapos hinihilamusan mo lang! Wag ganun babe. Kadiri ha eh…
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Sa swimming pool:
Bata1: Whaaahhh!!! Tulong! Tulong! Hindi ako marunong lumangoy!!!
Bata2: Eh ano ngayon. Ako nga di ako marunong mag-piano, sinisigaw ko ba? Tse….PAPANSIN!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Misis: Doc, kamusta na Mister ko?
Doctor: Sorry Misis, pero ngayon ikaw na ang magpapaligo at magpapakain sa kanya kasi putol na ang kanyang kamay at paa.
Misis: Haaaah!
Doctor: Hahahaha! Ninerbyos ka noh? Joke lang yun. Patay na Mister mo.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ang ayaw tumawa…. well, paki-alam ko sayo kung KJ ka!




