Nominado ang Tambayan sa Damuhan
March 10, 2009

May pa-contest ang aking kaibigan na si Bino sa kanyang blog sa Damuhan, at sa di ko alam na kadahilanan may nag nominate sa aking Tambayan sa Damuhan ni pareng Bino. Kung di nyo alam si pareng Bino ay may madaming alam na kung anong ka-chuvahan sa buhay. Ewan ko lang kung bakit pero ang daming churva at eklavush ang ginagawa sa damuhan nya. Pero infairness at imbyerna effective ang mga ka-ek-ekan, isang beses ko palang syang na-overtake sa rating ng humor blog sa topblogs.ph. Anyway, my way at high way sa kung sino mang ispiritu ang nag nominate sa akin sa Damuhan ni Bino madaming salamat sa iyo, pero botohin mo rin ako kasi na ngungulelat ang Tambayan Ni Byter sa botohan. Saan ba ako pwedeng mamili ng boto? Sino may contact number kay Garci dito, kong kunin service nya para manalo.




