Home » Archives » 12. February 2009
Lumipat na ng tambayan si Byter. Ang bagong tambayan ng bayan: tambayannibyter.com



Tagolog Jokes - Valentines Punchlines Edition

February 12, 2009

More Valentines Punchlines @ TambayanniByter.com

Ito ay mga collection ng mga pamatay pickup lines na napulot ko kong saan-saan, sa internet, sa text, sa libro at sa balot ng napkin na binili ko sa sari-sari.  Kung wala ka pang date sa Valentines huwag mong subukang bitiwan ang mga jokes na ito sa pinopormahan mo…masusupalpal ka lang!

 

Ibibili kita ng salbabida.
Kasi baka malunod ka sa pagmamahal ko.

Crayola ka ba?
Binigyan mo kasi ng kulay sa buhay ko.

Pwede ba kitang maging sidecar?
Single kasi ako eh.

Ako ay isang exam.
Kaya sagutin mo na ako.

 

Ang pagmamahal ko sayo ay parang LBM.

Ang hirap pigilan.

 

Minamalat na naman ang puso ko…
Paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo.

Uy papicture!
Para ma-develop tayo!

(more…)

Posted by tambayannibyter at 11:38 am | permalink | comments[287]