Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.
Tagalog Jokes (Valentines Edition)
February 11, 2009
Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.
Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din.
Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.
Binata: Pwede ba kitang ligawan?
Dalaga: Bakit may RAV4 ka ba? BMW? Benz? o CR-V man lang?
Binata: Bakit ano ba yang puso mo, highway?
Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya tabla-tabla lang ang laban.
Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.
Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.
Everything about you is perfect - your lips, your skin, your eyes, your body. Perfect! You’re lucky to be born beautiful, not like me, who was born to be a big liar.
Ang pag-ibig ay parang elevator, huwag mong pagsisiksikan yung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Bakit mo ipipilit sarili mo kong meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.




