Home » Archives » November 2008
Pau-thought of the Week:
Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.

JocJoc Bolante Favorite Nursery Rhyme

November 6, 2008

FG, FG

I am sick…

Please call Gloria very quick…

Gloria,

Gloria, shall I die?

No, my JocJoc

Just lie and lie…

 

Nanalo nang landslide victory si angkel Barack laban tatang McCain, pero dito sa ‘Pinas si Jocjoc Bolante pa rin ang sikat.  Nagtataka ako kung Amerika, minsan sa kanilang kasaysayan ay meron ding Fertilizer scam. Meron din kayang American version si Jocjoc Bolante kasi meron nang Jocjoc Bolante version ang peyboreyt nursery rhymes ng mga Kano.

Kung sino man ang gumawa nang tula na ito, isa kang henyo sa pagkatha ng tula.  Nakakatuwa, nakakatawa pero ito ay isang masakit, mapait at mahapdi na katotohanan na ginagawa tayong tanga nang mga tao sa gobyerno.  Nilulustay nila ang ating pera na dapat sana pambili na natin ng bigas, tinapa, spaghetti, panty, condom, pirated vcd’s, pekeng i-phone at gatas na may melanine.  Panay pa rin ang pagsisinungaling ni Jocjoc, at ang isa pang sinungaling na si Neri ay naging hari pa nang SSS.  Kailan pa kaya sila mamatay?

Posted by tambayannibyter at 10:29 am | permalink | comments[12]