Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.
Sige na nga maki-Melamine na rin….
October 28, 2008Busy ako ngayon sa paghahanap-buhay para matugunan ang mga pangangailangan para mabuhay at pambayad sa utang na load, internet, telepono at iba’t-ibang mga ka-chorvahan sa world. Ngunit nagawa ko paring makipag-chimisan at makipag-palitan ng opinion mga mga kapitbahay ko sa blogospera. Lahat nalang yata sila may kwento tungkol sa melamine, shontem, ako nalang yata ang nag-iisang blogger sa buong blogospera ang walang kwento tungkol dito kaya sige na nga maki-melamine na rin ako. Sabi nila ang melamine ay isang kemikal na hinahalo nang nga instik behong capitalista para tumaas ang rating ng protina sa mga gatas, ang problema hazardous daw ito sa health lalo na sa mga baby. Actually, hindi ko na kailangang i-explain ang mga ka-chuvahan at ka-etsosan tungkol sa melamine kasi araw-araw gabi-gabi (parang pelikula) yan nalang ang balita tungkol dito. Nakakasawa na actually.
Ngayon may bagong balita na naman about sa melamine chorvas-ek-ek, na pati ang Lipton Tea at Sunflower biscuits ay may factsheet na melamine na rin. JoshMariah at ozhep, ano nalang ang pwede kung bilhin na walang melamine, baka pati ang cellphone at mp3 na made in China may melamine content na rin. Pero, infairness at injustice, may positive effect ang melamine fever na itech. Dahil sa melamine natutong magbasa ang mga mamimiling Pinoy, dati wiz nowang as in walang paki-alam basta maka-mura at naka sale pwede na, ngayon as observed nang ninang nyo, binabasa na nila ang label nang binibili nila. Kapag made in China, ayon return back time ang drama nang mga mommy.
Bakit nga ba takot na takot at galit na galit (paulit-ulit pa talaga) tayo sa melamine? Dahil nakakamatay ay melamine? Dahil nakakadulot nang sakit? Kung ganon bakit bumibili parin tayo nang sigarilyo? Nakakamatay din ang sigarilyo, nakakadulot din nang sakit mas malala pa nga kesa dinudulot nang melamin.
Litro-litro ang tinutungang alak at 20 sticks ng sigarilyo ang nauubos mo araw-araw tapos takot ka sa melamine? You’re freakin’ funny i ka nga ng bida sa pelikula na napanood ko kagabi. Ito ang script nang Ninang Byter sa kaibigan kong takot sa melamine. Pero mas bongga ang linya nang ogag, “Everytime I bought and smoke my Marlboro lights I am very aware of the consequences. Im very well aware that it cause harmful effect to my health. But I still continue smoking, meaning it is my conscious choice. When I buy Marlboro I’m buying it for the smoke and the nicotine. In the case of these greedy Chinese capitalist, they are deceiving there customer. They wanted to buy milk and you gave them melamine. You buy these milk to give healthy food to your kids, and they gave you melamine. What the hell are they doing?” Na-shuckzzz with matching nosebleed ang Ninang nyo, ang galing umingles. Kung hindi lang ogag yun, malamang na inlab na ako sa galing umingles. Pero infairness at infair may point naman ang loko.
Sa ngayon marami na ang may Sinophobia, gaya nang engliserong epal na friend ko na ito. Hindi mo alam ang kung ano ang Sinophobia? Intense fear of Chinese daw yan, fear for their culture at kung anu-ano pang anik-anik. Basahin mo nalang to para malaman mo kung ano ang Sinophobia.




