Home » Post Item » Google Translate: Maganda ako - I’m Pretty - Estoy muy - Sono piuttosto - Je suis assez
Pau-thought of the Week:
Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.

Google Translate: Maganda ako - I’m Pretty - Estoy muy - Sono piuttosto - Je suis assez

October 15, 2008

Sa iyong paglalakbay sa mundo ng Internet naligaw na ba ang iyong landas sa Google Translate.  Ang google translate ay isang kabahagi sa serbisyo ng Google sa kanilang mga kliyente.  Isang mainit na hapon, nanood ako ng video ni Amy Nobleza vs. Connie Talbot sa Youtube, at nakikibasa ng mga comments at nabasa ko ang comment na to: “conie es mucho mejor, aunque creo que no hay que cmparar a las niñas que son pequeñas porque todas dan lo mejor que pueden” factsheet, todas lang ang naintindihan ko kasi palagi itong ginagamit ng kakilala ko. Peboyrt ekspresyon nya “Pag pumalag ka todas ka sa akin mamaya.”  So ayon, na curious na naman ang magandang ninang nyo kung ano ba ang pinagtatalak ng Espanyol na bangus na mahilig sa bar-b-que, kasi ang daming que sa sentence.  Peboryt song nya siguro ang que-sera-sera.  So para hindi na humaba ang dati nang mahabang kwento, and before I’m going to ask something stupid, I ask google first.  Nagsurf…surf…surf…surf sa google..then…twinnnnggkkzz! Google Translate.  Copy paste ng beautilicious ninang ang comment ng espasol na Espanyol at ito ang sagot ng Google Translate: “Coni is much better, although I believe that people should not cmparar to girls who are small because they all give the best we can”, bonga di ba?  Kahit wrong grammar at least comprehensible na ang gustong ipa-abot ng Espanyol.  Bonga ang application, ang dami ng language na pwedeng pagpilian. Pwedeng Filipino - English, Filipino - Spanish, Japanese, Korean, Hebrew, etc…etc…at madami pang iba.  

Sobrang natuwa ako sa bagong discovery ko na ito.  Sinubukan ko syang tanungin ng isang mahalagang katotohanan sa mundo.  I type “maganda ako”, ito yung mga translation nya: English - I’m Pretty, Spanish - Estoy muy, Italian - Sono piuttosto, French - Je suis assez.

Sinubukan ko pa ulit, ito ang original text in Tagalog: “Pagdaan ng ilang minuto, wala na akong mahukay na precious gems sa ilong ko at lumaki na ng husto ang butas na parang butas ng tubo sa main pipeline ng nawasa.   Mag pa-practice na naman sana ako kung paano matulog na dilat ang mata, mabuti nalang nag-text ang aking feeling genius ng kaibigan ng mga tips at activities kung paano labanan ang boredom.”

Ito ang translation ng Google Translate: “Passing a few minutes, then I mahukay to precious gems in the nose and I grow a lot of holes like hole in the pipe main pipeline of nawasa. Mag-pa naman practice to how I would sleep with wide-eyed, good nalang nag-text feeling my genius friend of activities and tips on how to fight boredom.” Bongga di ba, parang isang kolehiyala na nakatira ng albatros at nalasing sa pito-pito. Pero infairness at injustification on the value of x in perpendicular to the value of y axis, very helpful sya.

Ito ang pinaka-bongga sa lahat tinraslate ng Google Translate.

 

Pindutin mo ito kung gusto mong pumunta sa Google Translate: Hit it if you want to go to Google Translate:

命中,如果你要到谷歌翻译: Hit, wenn Sie wollen, gehen Sie zu Google Translate: Hit-le si vous voulez aller à Google Traduction

 

Posted by tambayannibyter at 1:42 pm | permalink

Previous Comments

Cool! Natawa ang mga kaibigan ko when I told them “pangit ka” in different languages. It’s really fun. Thanks for sharing.

Posted by Lover Boy (Check my Site) at October 15, 2008, 8:04 pm

@Lover Boy -ok na, na check no na site mo. Ang grade 40/50. Natawa din ako, ang saya pag laruan. Pwede ko nang murahin ang ex ko na hindi nya alam na minumurder ko na sya.

Posted by tambayannibyter at October 16, 2008, 5:41 pm

Cool…Astig..wat a blog..it’s really fun..tnx..

Posted by compsci280 at October 20, 2008, 9:30 am

ano ba… walang magawa at pinaglaruan ang google translate?

sabi ng teacher ko dati sa calculus na born again: the idle mind is the playground of the deybil! be gone seytahn!!!

Posted by ate sienna at October 21, 2008, 12:39 am

@ate sienna -at least ibig sabihin nun may mind ako. hindi kaya lahat ng tao merong mind.

Posted by tambayannibyter at October 21, 2008, 9:55 am

это огромная

haha.. google translate mo na lang para maintindihan ang sinabi ko

Posted by FerBert at October 22, 2008, 5:34 am

@FerBert …at pinahirapan pa ako kung anong language ang это огромная. anyway, hemingway salamat sa pagbisita.

Posted by tambayannibyter at October 22, 2008, 12:01 pm

cool naman nyang translator na yan.. “tae ka” means “shit you” hahaha! very literal baka pag nag translate ako ng gwapo si pedro magka error yan ah! hehehe :D

Posted by pedro at October 24, 2008, 11:16 am

maganda ka.. di ako kokontra.. hehehe

Posted by kosa at October 24, 2008, 12:51 pm

@pedro -tama ka dyan, hindi kasi marunong magsinungaling ang google translate…hehe

Posted by tambayannibyter at October 24, 2008, 1:37 pm

@kosa -thank you so much, and world peace! mabuti naman kasi kung kumuntra ka di tayo bati… so ngayon, friends na tayo.

Posted by tambayannibyter at October 24, 2008, 1:39 pm

magagamit co yan! magaling! makakapag inglesh narin aco. . syet! dis is miracol! translator wil save my spokening:D

Posted by paperdoll at October 25, 2008, 1:40 am

@paperdoll -corek ka jan… magaling-magaling talaga!

Posted by tambayannibyter at October 27, 2008, 4:52 pm

Sana pwed din itranslate ung gay language, hehehe.

Posted by Allen at December 5, 2008, 12:50 pm

maki2tambay lang po!!lol

Posted by ronelM at October 16, 2009, 7:28 pm

@allen - wait ka lang baby allen, ginagawa na yung software ng gay translation… pero ewan ko lang kung buhay pa tayo bago i-release ang first version. halos araw-araw kasi nag-iiba ang language ng mga sistah natin…

Posted by tambayannibyter at October 19, 2009, 5:11 pm

@ronel - welcome sa tambayan, ulol ka rin….

ulol (ultimate laughing out loud)

Posted by tambayannibyter at October 19, 2009, 5:12 pm

ashhaahha gnun wlng kwenta

Posted by gansta princess at November 8, 2009, 7:04 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment