Its All About the Cheerdance Controversy
September 4, 2008Whaaattt!!! Natalo kami!? Why in the 3-inches stilleto hell of mader packing tapes! Bakit? Ngaa? Insa man? Nasa panel of tabulator ako nang nakita ko ang result ng inter-department cheerdance competition sa beloved school namin. Nanginig ang kamay ko, uminit ang tenga, nagtayuan ang balahibo at sumikip ang heart ko. Maliwanag pa sa sinag ng fullmoon na may “something” wrong sa judging.
Goodness, gracious ang peace loving na Lola Byter ninyo naging warfreak, parang gusto kung sumali sa MILF, NPA at aktibistang nagmamartsa sa Mendiola para i-protesta ang “something” wrong na nangyayari. Hindi pwedeng hindi ako mag re-react at magsalita. Shontem! I cannot let it pass just like that. No way, my may, super highway. Sabi ng ni Atty. Sison “Kapag may katwiran, ipaglaban mo!” Kaya ayon, parang pinag-combine na lakas ng cyclone gustav, cyclone katrina at typhoon frank na bumanat ang beautiful Lola ninyo, at matameme silang lahat.
Mga katambay gusto ko pong ipaliwanag na hindi po ako po ako nga sa-sour-grapping kasi natalo kami, oopsss…mistake wrong spelling…natalo pala sila kasi hinid naman talaga ako kasali, tabulator lang po ang role ko. But I can’t help but symphatize, sobrang grabeng time, effort and not to mention money ang ininvest ng mga participants at ng department para doon tapos biglang may “something” wrong lang sa judging? Naku….naku…naku…hmmnn…bed cheetah. Buti naman sana kung close fight ang performance pero juice ko at juice nating lahat naman, sobrang layo ng performance, as in parang Jolo at Batanes ang layo. Shontem! Lahat yata pati bulag kitang-kita na kami dapat ang panalo, except doon sa 2 judges. Bigla tuloy nagtaka and beautiful na tambay, bakit kaya ganon ang decision ng dalawang judges. Well, tatlong reason ang naisip na dahilan ng coconut-milking brains ng dakilang tambay. Una, marahil naninilim ang kanilang paningin dahil sa gutom o di kaya lasing sila. Pangalawa, baka overqualified ang mga judges, marahil ang kanilang mga kalibre at pang inter-galactic competition hindi iyong pang pipitsuging inter-department lang. Syempre naman kapag ‘yung nakasanayan mong i-judge ay ang mga inhabitants ng Mars, Pluto, Neptune etc. ay hindi mo appreciate ang performance ng ordinaryong lowly-human being like us….dabuuhhhh. Pangatlo, baka sinapian ng masamang ispirito at hindi naka-utot kaya ayon, overcooked na inihaw.
Oh well, deep well, wala na tayong magawa kasi tapos na ang shooting at naipalabas na sa mahigit 120 sinehan worldwide. Wish lang ng Lola nyo sana makonsensya naman kayo at hindi na mangyayari sa susunod. But in case na mangyari uli ‘yun next year sumalangit nawa ang inyong kaluluwa. At please ‘wag nyo kaming gawing tanga by insulting our intellegence.
P.S I love you:
Sa mga inosenteng nadamay sa putukan sa Mindanao, hindi ko po sinadya iyon. Wala akong intensyon na i-hurt ang feelings nyo. Kung na hurt kayo, mas na hurt kami that’s why we reacted that way. It was never my intension to hurt anyone, I just want to voice my sentiments and express my opinion. I wanted to sincerely apologize to all the innocent victims of the indiscriminate firing. Thank you so much and Mabuhay Philippines!
Ka Bonding ng Tambay
<a href=”http://www.inewu.com/”>iNew Directory</a>
<a href=”http://www.huahua.info/”>Huahua Directory</a>




