Lipat Araw
September 1, 2008Tambay: “Wala daw pasok bukas?”
Byter: Why? Bakit? Ngaa? Ngaman? Insa Haw?
Tambay: “National Heroes Day daw ngayon?”
Byter: “Ngayon ang National Heroes Day, pero bukas ang walang pasok? Ang galing ah, onli in da Pilipins lang yan. Pero wrong spelling, right minus wrong ka kasi noong last Monday pa sinilebreyt ang National Heroes Day.”
Kahapon ipinagdiriwang ang National Heroes Day, ito ang araw kung saan supposed to be paparangal ang mga bayani ng Pilipinas. Sobrang thankful talaga ang lola nyo dahil inilipat noong Lunes ang “pista” ng mga bayani, pero napaisip ako bigla, tama bang ilipat ang holiday? Tuwang-tuwa ako noong lunes kasi walang pasok, boung araw tumambay sa tindihan ni Mam Ale at nakiki-tsimis ang dalahira kong dila. Tinanong ako ng Ate Len nang nililinis nya ang kuko ni kuko ni Kuya Butch na parang takip ng kuhol kung ano meron bakit walang pasok. Ang sagot ng matalinong ni Byter “Aba malay ko, baka birthday ni Naruto o baka binibigyan tayo ng time para makapanood ng Sun Dance ni Sarah”. Shontem! Honestly, hindi ko talaga alam kung bakit walang pasok noong Monday. Aksshuulli, ngayon ko lang nalaman na National Heroes Day pala. Bakit nga pala National Heroes Day ang tawag, di ba dapat Araw ng mga Pambansang Bayani kasi bayaning Pinoy ang pinaparangal dito.
Nagtataka talaga ako bakit nililipat nila ang holiday? Pwede din ko bang ilipat ang birthday ko? Kapag mataon ang birthday ko nang Linggo o kaya Sabado pwede bang ilipat ng Lunes para medyo kumbinsing ang reason kapag pumasok ako na medyo may hang-over. Nang binaril si Papa Joe (as in Jose Rizal) sa Bagumbayan sana sinabi nya sa mga mukhang espasol na Espanyol na “taym pers, sa lunes nyo nalang ako tigukin para walang pasok ang mga bata at walang opis ang mga father at mga mother at maka gimik ang mga dudes at dudettes sa Linggo ”. Nakakagulo sa aking laser sharp brains ang lipatan ng holiday na yan. At bakit kaya di nila malipat ang Labor Day (May 1), dahil takot sila siguro kay Satur Ocampo, sa Gabriela, KMU at sa mga aktibistang taga-UP. Ang Holy Week at Ramadan kaya pwedeng ilipat ng December? Para sabay-sabay na lahat, boung buwan walang pasok. Yippeeee!!!! Yehey!!!! Yahoooo!!! Google!!!
Kung pwedeng ilipat ang holiday, sana pwede ding ilipat ang mga bayani. Next year si Andres Bonifacio naman ang Pambansang Bayani, tapos si Jose Rizal naman ang Ama ng Katipunan, pagkatapos palitan si Lapu-lapu si Dagohoy ng title. At ang holiday ni Ninoy Aquino, ilipat natin sa birthday ni Kris para wala pasok pag valentines day. Yippeeee!!!! Yehey!!!! Yahoooo!!! Google!!!




