Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.
In Loving Memory of Eric
September 24, 2008He is battered, but well loved!
We have spent so much time together, we shared a lot of things. Good, bad and everything in between. I can’t exactly remember kung kalian kami nagsimulang nagsama. That was, I guess, three or four years ago nang makita ko siya habang gumagala ako sa mall. From that moment I felt a strong desire to have him. Then, bago humaba ang dati nang mahabang istorya, I have him and that was the start of a loving yet platonic relationship between me and Eric. It’s Eric who knows the real me, he knew me better than my own mother do and sometimes I even think that he knew me better than myself. He knows everything about me, my dreams, my ambition, my desires, my nightmares and fears as in he know lahat ng kagagahan at katangahan na ginawa ko sa buhay ko. For all those years na nagkasama kami, he become my emotional dumpsite, taga-salo ng lahat ng sama ng loob, bagsakan ng galit, kasalo sa saya at lungkot.
Ilang beses ko na ba siyang iniwan? Four times? Or limang beses na yata, yet he returns. Ilang beses ko naba siyang nailaglag? Hindi ko na mabilang, ngunit nanatili siyang buo para sa akin kasi alam nya na kailangan ko siya. Ngunit dumating ang panahon na hindi na kayang ibigay ni Eric ang iba kung pangangailangan. These unfulfilled needs had driven me to find another at palitan sya. Masakit man sa loob ko but I have to let go. I have to move one and find something else na makapag-satisfy ng aking pangangailangan. It hurts, but it is a must. I’m very sorry but I have to let you go. Hindi ko alam kung kayang pantayan ng ipinalit ko sa’yo ang loyalty at pagmamahal na ibinigay mo sa akin, I’m hoping na kasing tibay mo siya sa pagharap at pagtanggap ng hamon sa buhay.
Kay mamang tricycle driver at kay manang sa carinderia maraming salamat sa pagbalik ninyo kay Eric sa akin noong mga panahong iniwan ko sya. Sa mga estudyante at mga guro na nag-alaga kay Eric noong mga panahong siya’y aking nakaligtaan, salamat sa inyo.
To Eric, I know thank you is not enough to give justice to what have you done to me. Thank you for the moment we shared, for the joys and the laughter. It’s time to say goodbye, but I would never forget you. You’re the best cellphone in the whole wide universe. No cellphone has yet been invented to compete your homing capability, even the most expensive and the most advance phone.
See Eric’s Picture1 Picture2 Picture3 Picture4
To my friends Captivating Capiz Zinnia and The Seer, thank you so much.
Asian Face-Off: Regine Velasquez vs. Lani Misalucha
September 18, 2008Nabasa ko anga balitang ito sa Yahoo Philippines, at natuwa ako sa aking nabasa, sa wakas maghahararap na rin ang dalawang retokada,,,este,,,diva pala. Bilib na bilib ako sa doon sa taong nakapag-isip ng title ng news na ito kasi bagay na bagay kay Regine at Lani kasi pagtinanggal mo lahat ng itinapal sa mukha nila, literally face-off talaga silang dalawa….(joke!). Pero infairness at infairview, super galing naman talaga sa biritan ang dalawa. World class ang mga talent ng mga Lola mo. Si Lola Regine ay tinaguriang Asia’s Songbird at ang Lola Lani naman ay tinagurian Asia’s Nightingale.
Si Lola Regine Velasquezis a multi-platinum artist na kikipag-collaborate na sa mga bigating world class singers like Paul Anka, Brian McKnight, Mandy Moore, Stephen Bishop, Jim Brickman, Peabo Bryson, David Pomeranz and David Hasselhoff at kung sinu-sino pang papalicious chuvaness.
Lola Lani Misalucha, sa kabilang kamay (on the other hand), ay isa ring platinum-selling artist who became the first Asian to headline a main showroom of the Las Vegas Strip, performing with the Society of Seven. This year, nanalo ang Lola Lani as the critics’ choice for Best Singer in the recent 27th annual Best of Las Vegas Award by the Las Vegas Review-Journal (Celine Dion was the readers’ pick in the same category). She was also handpicked by international superstar Josh Groban to perform with him in his Awake Tour 2007 in Manila.
In overall summation of x and y raised to the fifth power and inversely proportional to the to the cube root of three x cube, ang dalawang lola mo ay unquestionable world class talent and truly a Filipino pride, mga retokada nga lang…bweehhh (joke uli). Pero sa tingin ng kakilala kong duling, mukhang napag-iwanan ng sila ng cute na cute na si Charice Pempengco sa pag-ariba sa international scene. Noong September 15 naka duet niya ang idol kong si Lola Celine Dion. Bongacious to the max ever talaga ang ever talented na Inday Charice.
Nag brainstorming kami ng aking kaibigang si Captivating Capiz Zinnia na original ang beauty, kung ano ang magandang pamagat sa concert ni Regine at Lani. Suggestion ng Lola Byter noy “The Songbird Meets The Nightingale” ayaw ng friend ko kasi sounds so ordinary daw. Suhestyon naman ni Captivating Capiz Zinnia, “Clash of the Belters: The Knock-Out Round”, medyo maganda nga pakinggan pero parang bakbakan ni Manny Pacqiuao at Oscar Dela Hoya ang dating at hindi pang concert. Nag-isip kami ulit….isip…isip…isip…then…tradantadantadan…presto! Ang title “Regine vs. Lani: Ang Sagupaan ng mga Retokada (Matira ang Matibay”. Ang finale ng concert ay pitikan ng ilong, ilong na unang matatangal talo!.
Captivating Capiz - Tambayan Ng Mga Gwapa
September 16, 2008“Captivating Capiz“, ang ganda ng tagline parang kasing ganda ng mga nene, inday at mga mare kong nakatira sa kakaaibang paraiso na ito sa gitna ng Visayan Sea. You might have not yet seen or visit this place because its not really that popular as Boracay (which is basically just on the neighborhood of Capiz) nor Iloilo. This province is quite really unique beacuse of its rich culture and its seafoods. Kung mahilig kang kumain ng sugpo, tahong (promise walang redtide) , alimango, talaba, isda, pusit, hipon at kung anu-ano pang seafood na maiisip mo, ang Capiz ang lugar kung saan dapat ang destinasyon mo. Its a haven of seafoods. Actually, the Department of Tourism dubbed Capiz as the “Seafoods Capital of the Philippines”. Dito binenta ang mga seafood parang ukay-ukay lang na naglilipana sa kung saan-saang sulok ng Roxas City (FYI, it is the capital city of Capiz). But one thing na talagang sikat ang Capiz ay ang very famous na label nito. If ang mga Ilokano ay kilala sa pagiging kuripot at ang Bicol mahig sa sili ang mga taga Siquior at taga Masbate ay well-known sa pagigng mangkukulam ang Capiz naman sa kilala sa pagiging aswang. Yah, you hear (read pala) it right. Despite sa kagandahan at kagwapuhan ng mga taga-Capiz they are labeled as aswang. Well, that was before nang hindi pa uso ang computer at cellphone sa mundo. Yung mga panahon na ang mga gamot sa sakit ng tiyan ay laway. Pero sa modernong panahon na ito, na text at blog na ang uso wala nang naniniwala sa ganyang paniwala (huh…gulo).
Isa lang talaga ang masasabi ko, kung away mong ma-aswang ang puso mo at kung hindi mo gustong matulala sa kagandahan huwag na huwag kang tumingin sa taga-Capiz.
Food for Thought (Mga Pa-utot)
September 12, 2008- Huwag mong isiping panget ka, maiinis ka lang.
- Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.
- Never take life seriously. Nobody gets out alive anyway.
- What is beauty if blog is empty?
- Two heads are better than one foot.
- Don’t say bad words, when your mouth is full.
- Sabi ng bulag: “To see is to believe”.
- According to my former boss: “Whether you like it or not, you like it!”
Its All About the Cheerdance Controversy
September 4, 2008Whaaattt!!! Natalo kami!? Why in the 3-inches stilleto hell of mader packing tapes! Bakit? Ngaa? Insa man? Nasa panel of tabulator ako nang nakita ko ang result ng inter-department cheerdance competition sa beloved school namin. Nanginig ang kamay ko, uminit ang tenga, nagtayuan ang balahibo at sumikip ang heart ko. Maliwanag pa sa sinag ng fullmoon na may “something” wrong sa judging.
Goodness, gracious ang peace loving na Lola Byter ninyo naging warfreak, parang gusto kung sumali sa MILF, NPA at aktibistang nagmamartsa sa Mendiola para i-protesta ang “something” wrong na nangyayari. Hindi pwedeng hindi ako mag re-react at magsalita. Shontem! I cannot let it pass just like that. No way, my may, super highway. Sabi ng ni Atty. Sison “Kapag may katwiran, ipaglaban mo!” Kaya ayon, parang pinag-combine na lakas ng cyclone gustav, cyclone katrina at typhoon frank na bumanat ang beautiful Lola ninyo, at matameme silang lahat.
Mga katambay gusto ko pong ipaliwanag na hindi po ako po ako nga sa-sour-grapping kasi natalo kami, oopsss…mistake wrong spelling…natalo pala sila kasi hinid naman talaga ako kasali, tabulator lang po ang role ko. But I can’t help but symphatize, sobrang grabeng time, effort and not to mention money ang ininvest ng mga participants at ng department para doon tapos biglang may “something” wrong lang sa judging? Naku….naku…naku…hmmnn…bed cheetah. Buti naman sana kung close fight ang performance pero juice ko at juice nating lahat naman, sobrang layo ng performance, as in parang Jolo at Batanes ang layo. Shontem! Lahat yata pati bulag kitang-kita na kami dapat ang panalo, except doon sa 2 judges. Bigla tuloy nagtaka and beautiful na tambay, bakit kaya ganon ang decision ng dalawang judges. Well, tatlong reason ang naisip na dahilan ng coconut-milking brains ng dakilang tambay. Una, marahil naninilim ang kanilang paningin dahil sa gutom o di kaya lasing sila. Pangalawa, baka overqualified ang mga judges, marahil ang kanilang mga kalibre at pang inter-galactic competition hindi iyong pang pipitsuging inter-department lang. Syempre naman kapag ‘yung nakasanayan mong i-judge ay ang mga inhabitants ng Mars, Pluto, Neptune etc. ay hindi mo appreciate ang performance ng ordinaryong lowly-human being like us….dabuuhhhh. Pangatlo, baka sinapian ng masamang ispirito at hindi naka-utot kaya ayon, overcooked na inihaw.
Oh well, deep well, wala na tayong magawa kasi tapos na ang shooting at naipalabas na sa mahigit 120 sinehan worldwide. Wish lang ng Lola nyo sana makonsensya naman kayo at hindi na mangyayari sa susunod. But in case na mangyari uli ‘yun next year sumalangit nawa ang inyong kaluluwa. At please ‘wag nyo kaming gawing tanga by insulting our intellegence.
P.S I love you:
Sa mga inosenteng nadamay sa putukan sa Mindanao, hindi ko po sinadya iyon. Wala akong intensyon na i-hurt ang feelings nyo. Kung na hurt kayo, mas na hurt kami that’s why we reacted that way. It was never my intension to hurt anyone, I just want to voice my sentiments and express my opinion. I wanted to sincerely apologize to all the innocent victims of the indiscriminate firing. Thank you so much and Mabuhay Philippines!
Ka Bonding ng Tambay
<a href=”http://www.inewu.com/”>iNew Directory</a>
<a href=”http://www.huahua.info/”>Huahua Directory</a>
Sinaksak ko si Fidel Ramos kasi wala akong magawa
September 3, 2008Hindi original ang entry na ito, nasaliksik ko ito ng wala akong magawang matino at napagpasyahan ng mag-bloghopping at sa kasamaang palad napadpad ako sa blog ni Vienna Sausage (galing sya kasi ng Vienna) at nahalungkat ko ito sa baul ng mga blog entries nya. Sobra akong natuwa, nawala ng ka badtripan at init sa aking ulo. Lumabas ang gilagid at nanakit ang aking panga sa kakatawa sa walang kwentang kwentong ito.
Sabi ni Vienna Sauge: Syempre ayoko mangubliga sa mga chain entry na ito. Pero kung trip nyong kopyahin eh sige lang kopya lang ng kopya habang wala pang bayad. Malay mo next year eh may bayad na yan, sayang din di ba?
GUIDELINES AT MGA GAGAWIN PARA MAUTO
Piliin ang buwan ng kapanganakan
January- Nakipagsex ako kay
February- Sinampal ko si
March- Pinatay ko si
April- Tiningnan ko si
May- Nagmasturbate ako kasama si
June- Natulog ako katabi si
July- Tinawanan ko si
August- Sinaksak ko si
September- Dinuraan ko si
October- Mahal ko si
November- Sasapakin ko si
December- Kakagatin ko si
Tapos, piliin ang araw ng iyong kapanganakan…
1. Gloria
2. Erap
3. Fidel Ramos
4. Kuya Germs
5. Mahal
6. Nora Aunor
7. Pong Pagong
8. Blak Dyak
9. Nur Misuari
10. Miriam Santiago
11. Aga Muhlach
12. Mike Enriquez
13. Rustom Padilla
14. Aiza Seguerra
15. Winnie Monsod
16. Kiko Matsing
17. Ruffa Guttierez
18. Franklin Drilon
19. Willie Revillame
20. Mark Herras
21. Susan Roces
22. Ping Lacson
23. Ely Buendia
24. Ruby Rodriguez
25. Asi Taulava
26. Willie Garte
27. Rosanna Roces
28. Albert Einstein
29. Angel Locsin
30. Dora the Explorer
31. Cookie Monster
Ngayon, kunin ang ikatlong letra ng iyong apelyido…
A- kasi gutom ako
B- kasi wala akong magawa
C- Kasi luma na sapatos ko
D- kasi ang pangit nung nakasakay ko sa dyip
E- kasi summer na
F- kasi meron akong kulangot
G- kasi di ako nakapagbasa ng dyaryo
H- kasi idineklara yung state of emergency
I- kasi buntis yung kapitbahay ko
J- kasi talo sa sugal tatay ko
K- kasi wala akong pera
L- kasi andami kong labahin
M- kasi lilindol sa isang taon
N- kasi ang pangit ng palabas sa tv
O- kasi siksikan sa lrt eh
P- kasi dumaan yung crush ko
Q- kasi pinalitan yung tanod ng barangay sa lugar namin
R- kasi mahilig ako sa sex
S- kasi sawa na ako sa buhay ko
T- kasi di ako marunong magbike
U- kasi lasing ako
V- kasi puyat yung aso ko
W- kasi naglinis ako ng bahay kanina
X- kasi hindi malamig yung tubig sa ref
Y- kasi andaming tao sa SM
Z- kasi mahaba na buhok ko sa kili-kili
…tapos, gawing subject ang mga nakuhang sagot! o di kaya post nyo sa comment box ang result para madami ako comments hahaha!
Lipat Araw
September 1, 2008Tambay: “Wala daw pasok bukas?”
Byter: Why? Bakit? Ngaa? Ngaman? Insa Haw?
Tambay: “National Heroes Day daw ngayon?”
Byter: “Ngayon ang National Heroes Day, pero bukas ang walang pasok? Ang galing ah, onli in da Pilipins lang yan. Pero wrong spelling, right minus wrong ka kasi noong last Monday pa sinilebreyt ang National Heroes Day.”
Kahapon ipinagdiriwang ang National Heroes Day, ito ang araw kung saan supposed to be paparangal ang mga bayani ng Pilipinas. Sobrang thankful talaga ang lola nyo dahil inilipat noong Lunes ang “pista” ng mga bayani, pero napaisip ako bigla, tama bang ilipat ang holiday? Tuwang-tuwa ako noong lunes kasi walang pasok, boung araw tumambay sa tindihan ni Mam Ale at nakiki-tsimis ang dalahira kong dila. Tinanong ako ng Ate Len nang nililinis nya ang kuko ni kuko ni Kuya Butch na parang takip ng kuhol kung ano meron bakit walang pasok. Ang sagot ng matalinong ni Byter “Aba malay ko, baka birthday ni Naruto o baka binibigyan tayo ng time para makapanood ng Sun Dance ni Sarah”. Shontem! Honestly, hindi ko talaga alam kung bakit walang pasok noong Monday. Aksshuulli, ngayon ko lang nalaman na National Heroes Day pala. Bakit nga pala National Heroes Day ang tawag, di ba dapat Araw ng mga Pambansang Bayani kasi bayaning Pinoy ang pinaparangal dito.
Nagtataka talaga ako bakit nililipat nila ang holiday? Pwede din ko bang ilipat ang birthday ko? Kapag mataon ang birthday ko nang Linggo o kaya Sabado pwede bang ilipat ng Lunes para medyo kumbinsing ang reason kapag pumasok ako na medyo may hang-over. Nang binaril si Papa Joe (as in Jose Rizal) sa Bagumbayan sana sinabi nya sa mga mukhang espasol na Espanyol na “taym pers, sa lunes nyo nalang ako tigukin para walang pasok ang mga bata at walang opis ang mga father at mga mother at maka gimik ang mga dudes at dudettes sa Linggo ”. Nakakagulo sa aking laser sharp brains ang lipatan ng holiday na yan. At bakit kaya di nila malipat ang Labor Day (May 1), dahil takot sila siguro kay Satur Ocampo, sa Gabriela, KMU at sa mga aktibistang taga-UP. Ang Holy Week at Ramadan kaya pwedeng ilipat ng December? Para sabay-sabay na lahat, boung buwan walang pasok. Yippeeee!!!! Yehey!!!! Yahoooo!!! Google!!!
Kung pwedeng ilipat ang holiday, sana pwede ding ilipat ang mga bayani. Next year si Andres Bonifacio naman ang Pambansang Bayani, tapos si Jose Rizal naman ang Ama ng Katipunan, pagkatapos palitan si Lapu-lapu si Dagohoy ng title. At ang holiday ni Ninoy Aquino, ilipat natin sa birthday ni Kris para wala pasok pag valentines day. Yippeeee!!!! Yehey!!!! Yahoooo!!! Google!!!




