Home » Post Item » December 21, 2012: The End Of The World!
Pau-thought of the Week:
Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.

December 21, 2012: The End Of The World!

July 16, 2008

WHAT!!!! as in WHAT!!! Lumaki ang butas ng ilong ko at lumuwa ang beautiful eyes ko ng narinig ko ang bagong chuvaness na ito. End of the world na daw sa December 21, 2012, that is approximately 4 years and 5 months from now. Bakit ba kailangang December 21 mag-e-end and world wide earth, sayang birthday pa naman ng good ol’ friend ko ang date na iyon. Madami yun maghanda at malakas magpa-inom, paano na ang balde-baldeng San Mig Lights sa December 21, 2012 kung end of the world na pala ang araw na iyon. Hindi ba pwedeng August 3 nalang ang end of the world, para hindi na kailangang maghanda ng iyong beautiful lola sa kanyang birthday at wala nang mangulit ng pa-blowout. Di ko alam kung sinong manghuhula ang nag-predict ng chuvaness na yan pero I’m sure hindi si Madam Auring, kasi busy si Madam sa kanyang nangangasim na love life at pagpaparetoke ng kanyang fully overhauled face. Well, binisita ko ang kanilang official website, yes, katambay mayron silang official website (bongacious ang layout) para basahin ang kanilang explanation regarding this phenomena. Bongga at super deep impact ang explanation, may scientific basis at biblical quotations pa, may kasama pang chuvaness ek-ek about Mayan calendar at computation whatever na naka video at uploaded sa YouTube. And take note meron pang mga celebrity endorsers, including my ex na si Papa Tom Cruise. Well, isa lang masasabi ko about the explanations and all the chuva regarding the December 21, 2012 end of the world chu-chu. HINDI KAYO DIYOS!!!

Just for the sake of argument, paano kaya kung end of the world na nga sa December 21, 2012. Ano gagawin mo? If you would ask me, first thing na gagawin ko magpo-post ako ng blog na wanted husband, ipa-advertise ko sa adsense, mag-upload ako ng video sa YouTube na wanted husband because, goodness, gracious for god sake I don’t want to die a virgin at gusto kung makita ang salinlahi ko bago magunaw ang mundo. Second thing, magku-quit ako sa bago kung course na Master of Science in Netsurfing Major in Blogging minor in Friendster at ibenta ang lahat ng aking properties (as if may properties) including my battered ASUS laptop, my MP4 with broken LCD crystal, my Jurassic model (but maasahan all the time) na cellphone Sony Ericsson K300i (the homing cellphone edition) kasama of course ang charger, my 3-year old 1G flash drive, my hundreds collection of books and pocketbooks (hardbound & paperback), ang aking 3-dipang lupa na pamana sa akin ng aking beloved fatherhood. All of the revenues will be allocated for my Disneyland trip. Kasi hindi ako papayag na mamatay na hindi nakapunta sa Disneyland, no way, I have to see the Disneyland before I would die. Teka, wait, pwede kayang isangla ang transcript of records ko na tadtad ng INC at 3.0 (at least walang failure grade)? At yung medal ko ng nag-champion ako sa Freecell at Solitaire challenge? Pang-allowance lang papuntang Disneyland.

Seriously speaking, hindi naman talaga importante yung date kung kelan mag-e-end ang mundo. If the world would end, then it would come whether we like it or not or we knew or not. What’s really more important is our readiness if that time comes. Are we ready to face our creator if the world will end 30 seconds from now? Or maybe tomorrow or in 2012 or in 5012? Of when the world would end is not the question, because it could come anytime, in the most unexpected moment. But rather we have to focus on the question “ARE YOU READY?”

Posted by tambayannibyter at 5:32 pm | permalink

Previous Comments

totoo po ba talaga?

Posted by tom and jerry at August 8, 2008, 4:05 pm

hahahahaha

kakatuwa k po

^_^

nice blog mwahhh

Posted by arman at December 2, 2008, 10:47 pm

vovo

Posted by kyuvo at December 22, 2008, 3:11 pm

nice!… you rocks!!…

Posted by tytuse at December 22, 2008, 4:39 pm

sa mga nag komento nang kung ano-anu salamat. at take note, hindi pa pwedeng magunaw and mundo hanggang hindi ako nakapag-asawa ang makapunta nang disneyland….

Posted by tambayannibyter at December 24, 2008, 11:20 am

hi byter,
The world will not end in 12.21.2012
Instead, it is the beginning..

.. of a new earth

Posted by chris at December 26, 2008, 2:27 pm

Hahaysss.. Be Sacfrice Do not afraid be god create us. December 21 2012. Will the end of Earth

If you Dont Belive,

–> “Be Ready”

Posted by Unknown at January 17, 2009, 2:13 am

basta aqh d aqh mani2wala khit n kinakabahan n aqh!!! ^_^

Posted by HelloPoh at January 19, 2009, 6:53 am

ang masasabi ko lang is be ready!
pero hindi ko pa naipapatayo ung palasyo ko eh!
hehehe♥♥♥

Posted by conan at February 4, 2009, 11:10 am

Basta ako naniniwala ako na that is the new beggining of the world dahil ayon sa www.universetoday.com na ang 12-21-2012 ay pagtatapos ng ancient calendar ng mga mayan……..visit nyo po yang website para ma intindihan nyo……para di na kaya kabahan……hehehe

Posted by BENCH at March 4, 2009, 9:41 am

yeah right! believe what you wanted to believe! pero tama ka byter. you should focus on the question, “are you ready?”

sya nga pla, the mayan calendar is a long count calendar and it includes our time. if a new cycle is about to start so we have to face that our cycle is about to end.

you should also see what the i ching, the oldest text from china and web bot project predictions.

my point is, we should be open minded and do not be contented on the things we WANT to believe.

Posted by anton at March 23, 2009, 1:15 pm

@anton -ang galing mo Papa, para kang wikipedia kung mag-explain! …haaayyyyy! crush na kita.

Posted by tambayannibyter at March 23, 2009, 3:25 pm

May movie pa nga na ipapalabas sa Nov. 2009 ang Title is 2012, basta mag pray nalang tayo at maghanda kung talagang end ng world wala na tayong magagawa don, talagang ganun ang life may ending.

Posted by bam777 at March 31, 2009, 9:23 am

anton said it right, It’s a start of a new cycle but we won’t know if we’ll still be around.

Also guys may nabasa din ako about the 2013 UFO disclosure; official exposure of extraterrestrial being or what we called aliens. Pero di ko alam if it’s reliable and if we still be around that time.

Alam nyo din ba yung Area 51? If you don’t, google nyo. may ex-worker dun na nag leaked ng info, everything about area 51. It happened around year 1997. ito yung link, try nyo!.

“http://www.youtube.com/watch?v=ee3bld4lTG0″

Posted by meowman at April 3, 2009, 5:33 pm

di naman importante kung end of the world na e. tama yung sabi mo…kailangan ready ka. walang kwenta katakutan ang mga bagay na tulad nito kasi wala namang magagawa ang takot…

Posted by yeli at April 26, 2009, 3:58 am

Nanatakot isipin end na ng mundo!!
may 3year para makahanap ng girlfiernd
di ako natatakot pero sana wag!
masyado pang maaga!!
may kungting takot kasi nakikita naman sa kalikasan at sa nanayayari sa mundo!!

Posted by 6i6i at May 27, 2009, 10:15 pm

@6i6i -wag kang matakot sa baril o patalim o sa pag-gunaw ng mundo….hoy! pinoy ako buo aking loob may agimat ang dugo ko….

wala man lang significance no? pabayaan mo na, basta ganun yun, yun na yun!

Posted by tambayannibyter at June 4, 2009, 11:10 am

basta aq..
gusto q kapiling q pamilya sa date na un…

man this thing is frightening…
khit mga scientist nakki ayon sa kanila….
^^,

Posted by L3tSirk at July 6, 2009, 9:57 pm

@l3tSirk -baka gusto pati ako makasama mo. don’t be afraid, sabi nga ni bamboo wag kang matakot sa baril o patalim, kahit na sa end of the world… agree ka ba kristel.

ikaw ba ang kristel na naka-housemate ko sa bahay ni daddy?

Posted by tambayannibyter at July 11, 2009, 1:43 pm

never !!!
hindi pa magugunaw ang mundo hanggat hindi pa ko mayaman
!!

Posted by alvin at August 31, 2009, 9:38 am

hmmp..i don’t no..but sa muslim calendar.. friday palatandaan ng pgkawsak ng mundo..dec. 12 2012 is friday..

Posted by stranger_1/4 at September 8, 2009, 11:00 am

hai byter…newbie here…tlagang natatawa ako sa blogs mow..naku pow…girl ka ba o boy? nalilito po ksi ako eh…hehehe…
msasabi ko lang…ready na ko mtapos ang mundo kahit di pa ko nangongompisal..tutal dinadala ko na salinlahi ko sa ngayon…paktay, maliligo nalang ako ng holy water pra safe :) ):))

Posted by downy at September 9, 2009, 3:47 pm

@stranger_1/4 - sa muslim yun, kaso hindi ako muslim. baka ang world lang ng mga muslim ang magunaw….piz po!!! wheehee

@downy - girl na girl ang ninang mo lola down with anti-bacterial. sige i-lublob mo na sarili mo sa holy water pero wag masyadong matagal baka lumampas ka sa langit.

congratz, sa pagdadala ng salinlahi mo. sana at wish ko lang… hindi maging lukaret mo… whheeehhee!!!

Posted by tambayannibyter at September 11, 2009, 10:35 am

oizzztt wahahahahha!!!tenk u beri meni..di na ako lalampas sa langit baka matunaw na ako sa purgatoryo palang…hekhekhekhek, tsaka mabuti kung maging kasing lukaret din salinlahi ko pra dami na tayo…nyuahhaahha!!!tenk u ha…

Posted by downy at September 12, 2009, 3:19 pm

ang nanghula nyan ay ang mga maya sa mexico…tyaka mlapait na nun ang x-mas! 4 days nlng nun! syang may hamon dpat eh…

Posted by TheWebResearcher at September 21, 2009, 10:57 am

@webresearcher - agree ako sayo dyan. sayang ang hamon… pwede naman sigurong tumawad na after christmas nalang kasi sayang nga yung hamon, di ba? sayang eh!

Posted by tambayannibyter at September 29, 2009, 11:59 pm

dying is living into another world with God our father. :)

Posted by angelli. at September 30, 2009, 12:29 pm

Hello guys. Just want to say that only GOD knows when our world will end..
=)

Posted by Ella at October 3, 2009, 4:18 pm

not true…believe on that.!

Posted by ellan at October 6, 2009, 1:55 pm

haha..nice..wag nmn..mg’aasawa p aq ih..at mnga2nak ng isng soccer team..whahahaha..
..nweiz..pd n dn it0ng warning for us..
..kea mgbgong buhay n ang mga dpt mgbgo..ksma kea aq dun..hahaha..

Posted by hsafjhado at October 7, 2009, 2:36 pm

[b]Sa kabila ng kalamidad o bagyo na sumira ng maraming buhay at pag-aari…

Napakita ng maraming Filipino ang kahalagaan ng pagkakaisa at pag-ibig sa kapwa,

Ito ang mga pangyayari na gumising sa bawat tao sa pilipinas na hindi dapat tayo mabuhay sa kasakiman at pagkamakasarili.

Lahat ng tao pantay- pantay at lahat ay dapat matuto at mabuhay ayon sa tama at kalooban ng maykapal,

Hindi mo pag- aari ang kaloob sa iyo mg lumikha ni hindi dapat mag- isip ng pansariling interest.

[i]Kung ikaw ay isang taong nabubuhay sa ka immoralidad at kasamaan dapat ka lang magsisi sa bunga ng iyong kasalanan,

(Mga Pulitikong Corrupt, mayayamang mapagmataas, mga mapang abusong katiwala at ang mga taong ginagawa ang mali para lang lumigaya)[/i]

Nakakalungkot na Makita an gating bansa na bagsak na bagsak dahil sa gawa ng ibang tao at naging biktima ang mga inosente at mabubuting tao.

Ikat at ako sa ating mga pagkakamali na dapat ituwid, walang exempted, lahat tayo na mga Filipino at Kristiano sa tingin natin lahat ay may pananagutan,

Ang mabuti ay nagbubunga ng mabuti at ang masama ay nagbubunga ng paghihirap, sumpa at kalamidad.

Kasi nakikita naman natin ang katotohanan at di maikakaila ito ang liwanag ay di maitatago sa kadiliman…

Bawat tao dapat magbago at ang tunay nag pagbabago ay nagmumula una sa sarili,

Wala na tayo sa panahong sinauna ang panahong ito ay panahon natin at lahat ng nakaraang mali ay dapat maituwid para di tayo masisi sa mga susunod na mga henerasyon.

Anong mabuti na dapat gawin habang tayo ay nabubuhay? Yun ay hangarin natin ang mabuti para sa lahat at gamitin ang meron tayo sa tama para sa kinabukasan…

Walang mangyayari sa ating kung mananatili tayo sa katamaran, kamalian at kadiliman sa iba na sumusunod sa maling paniniwala at mga gawang baluktot,

Ang buhay ay maikli lamang at hindi dapat ito sayangin at ipagkait ang meron tayo (yan ay sa Diyos)

[u]Namatay si Hesus para sa akin at para sa iyo (para sa lahat) para ating sampalatayanan at maligtas.[/u]

Kung mahal natin ang Diyos at ang ating bayang Pilipinas, ating ipaglaban ang tama at katotohanan na alam natin at nalaman natin,

Tayo ay sinusubok sa ating pananampalataya at gagantihan ayon sa ating mga gawa.

Kailangan nating magkaisa, magkaroon ng kapayapaan, pag- ibig sa kapwa, kalayaan sa anumang kamalian, karapatan sa pagkakapantay- pantay at katotohanan sa Salita ng Diyos.

A message from Baptist Church, 702 DZAS, 700 club asia, Jesus Reign Ubc 12, JIL, all Born again Christian (Born again in Spirit- Full Gospel) Protestant Evangelical, RBC Ministry And Gideon’s(Bible) International.

Visit James307.blog.com for more info,

Philippines for Jesus!

Reform Philippines Better…[/b]

Posted by Jamesyap307 at October 20, 2009, 10:15 pm

sa aking opinion ang end of the world ay hindi isang natural calamity kundi kagagawan din ng tao… tingnan nu nalang ang nangyayari sa mundo natin ngayun…. about the global warming… mga natural disaster mga land slide ay dahil din sa walang habas na pag puputol ng mga kahoy sa ating mga kagubatan… at marami pang iba….

Posted by kris at October 22, 2009, 11:42 am

i cant wait for 12/21/12!! for those that are in denial.. the galactic alignment will happen and is definitely predictable like clockwork! (12am-12pm = 1 cycle 24 hours) so lets just say that the date 12/21/12 is the equivalent of 12 midnight and that 2400 years is actually 24 hours. when this time period passes the mayans predict that it will be a new beginning or “the golden age”. so since our solar system is in fact part of an eclipsing binary orbit with another system we will see drastic changes in weather conditions and unnatural behaviors in nature as we are experiencing now but more so as time whines down. think about it scientifically for a moment.. if the moons orbit around the earth pulls on the worlds oceans then what do you think will happen when the other sun is closest to our sun? im glad to be living in these times chaotic and crazy as it may be but at least i get to hopefully witness this great “change”. and still be alive to see this great galactic eclipse.. can you imagine? every planet will be lined up to the center of the milky way. picture a clock, if the center of the clock is the milky way than we are at the tip of the big hand when it becomes midnight and every planet including our sun will be in line with the milky way!! im definitely saving and or spending all of my money to get front row seats for this magnificent event! ftw!!

Posted by kris at October 23, 2009, 9:55 pm

huhuhu…,december 21, 2012 the end of the world? huh!!! hindi aq naniniwala..,bakit?..eh sinong may alam kung kelan tataposin ng panginoon ang earth…tanging ang dyos ang nakakaalam kung kelan matatapos ang mundo…,walang nakakaalam don..,pwede ngaun, bukas o anumang oras matapos ang mundo basta ang dapat nating gawin ay maghanda lang tayo dahil wala na tayong magagawa kung darating na ang panahon tataposin na ang mundo…para sa akin hindi aq naniniwala na december 21, 2012 the end of the world…only God knows…sa mga naniniwala just go on…panindigan nyo ang inyong beliefs…thank you…GOD BLESS US ALL!!!

Posted by lengie at October 26, 2009, 9:28 pm

How sad na marami pa ring pinoy ang nagbubulag- bulagan sa katotohanan, nagsasawa na sa mga pangaral at sermong pang moral at spiritual? Eh anong ginagawa mo? Kung tunay ka ngang Kristiano o Filipinong makabayan, ano sa iyo ang kasalanan mo at ang kapwa mo? Sa mga di nakakaunawa at nabubuhay sa takbo ng sanlibutan, lakas ng iba na mangutya o manghusga ng kapwa nila na nagsasabi at gumagawa ng tama, dahil guilty kayong mga gumagawa ng kasalanan at kasamaan! Oi kaibigan masdan mo ang mga tao sa bayan natin ang corrupt sa gobyerno at sistema ng batas, tignan mo maraming naghihirap imbis dinadahan pa ng iba sa alak, sugal, babae. Kristiano ba tong mga to? I doubt so! Mga tunay bang makabayan to at nagmamahal sa kapwa? I doubt so!, di ko tinatanong kung Katoliko ka, o protestante o muslim, ang pinag uusapan dito buhay na dapat pahalagaan at mga gawang mali na dapat itama, may tumama ba? Kung matanda ka man o matured sa tingin mo ano ang mga pinangaral mo sa mga kabataan para tularan ka? May nagbago ba sa kanila? Anong magiging buhay nila? Bilang isang tunay na Kristiano (naligtas sa biyaya ng Diyos sa dugo ni Kristo Hesus), sa mga nabuhay na marangal nakikita ba natin ang katotohanan na ang sistema ng mundo na masama na siyang sumisira ng buhay at kinabukasan ng kabataan, (mga naadik sa mga masasamang bisyo, sa mga pantasya sa T.V. at sa mga nag asawa ng bata), sa mundo may tama at may mali hindi lahat ng sa tingin mo masaya at mabuti para sa sarili mo eh tama, may mga mahihirap, api dahil may mga taong masasama sa mundo na nagpapahirap at nang- aapi.

Ilang buhay pang wawasakin ng kasalanan? Ilang pang di ligtas ang sasa Impyerno, “PRACTICE WHAT YOU PREACH!, di ka pinanganak para maniwala sa gusto mong paniwalaan pero maniwala sa dapat mong paniwalaan na sinabi sa iyo, may pumilit ba sa iyo? Eh ikaw na ang kusang tumangi nito kaya hanggang ngayon bulag ka pa rin sa katotohanan, nilikha ka ng Diyos ayon sa kanyang kalooban para sa ikabubuti mo at para magkaroon ka ng tamang landas na tatahakin, mga pangarap na dapat matupad at kaligtasan sa langit na uuwian ito ang kasiguraduhan ng iyong kaluluwa na paniniwalang di ka mawawalan, tulad ng mga bayani nagsakripisyo sila hindi para sa sarili nila kundi para sa Diyos at sa Bayan, wala sa mahirap o mayaman yan malakas ka man o mahina, nasa iyo ang desisyon at ang kapalaran na nakatakda sa kasaysayan, ikaw ang siyang magpapasya at gagawa kung anong gagawin mo, lahat ng nangyayari sa mundo na digmaan, kalamidad at mga karamdamang di malunasan hindi dahil sa natural na pangyayari kundi dahil sa takbo ng buhay ng tao na siyang nakakapagpasama sa sarili at sa mundo, athiesta ka man satanista o kulto, may takot ka na mapahamak dahil di natin hawak ang buhay di ka mawawalan kung maniniwala ka kesa mabuhay sa kawalan sa mundo na punung puno ng kasinungalingan at pagkukunwari.

Philippines reform better…

Message by: Baptist Church.

Posted by loneman21 at October 29, 2009, 8:43 pm

howaw… nice speech.. XD

Posted by kris at October 31, 2009, 4:32 am

Well, its not true that world will end on 12.21.2012. nothing has been listed on any bible n un ang exact date n magugunaw ang mundo.. God will not let that happen at that early date, but yes. mangyayari at mangyayari yun, we just need to be ready as to what may happen…ito ang ang dapat ntin isipin, “wlang buburahin at lilinisin kung di dinumihan”…Napaka rumi n ng daigdig, kaya what do you expect..? God will clean it up, refresh the world, and the world will be reborn…. Di tayo kumikilos eh…maxado n tayong nag bubulag bulagan…its enough nah, kelangan n nating kumilos at magbago…let’s start it from out selves…if we start it from ourselves other things in life will just follow… lahat ng nsa palibot moy mababago rin in a right way.. just do the right thing and submit ur self to GOD…in everything you do, just say ” Lord kaw n bahala” knock all people’s heart if we forgot to do the good things….let’s all be sorry to him…he will never rejected us….Say ” I love you God” and that will help diminish your frighten with this so called ” end of the world story from masses”

Posted by Ayesha at November 9, 2009, 8:00 pm

kanina we r talking about sun pero npunta ang lesson nmin jan mismo sa end of the world na yan alam ba nio kung bakit mgkakaganyan dahil mismo sa atin,c god ay sawang sawa na sa atin dahil kahit anong gawin ni jesus di parin tayo sumusunod sa utos niya.. there was 7 days na kanyang kanya tatapusin ang ating mundo. First ang mangyayari sa atin ay with darkness,second a fire will came down or whatever,3rd the water will going up,4th insects will bite us many many insects,5th sabi ng teacher nmin mababawasan ang tubig.6th ewan ko kung anu na basta alam ko sa 7th bababa siya dito.ohhh dba nkkatakot yun kaya dapat mgbago na tayo ngayon palang.

Posted by lindsay at November 11, 2009, 1:04 pm

HAHA ASTIG AHH AQ N LNG HUSBEE MO GU2NAWIN Q ANG BATAAN MO JOWK…

ASTIG MO!!!

DEC212012 ARMAGGEDON GET OUTTA IRR!!!

Posted by KING TIP at November 12, 2009, 2:02 pm

katapusan na ng mundo. ingat sa lahat. dadating ng ang mga dimonyo.

Posted by seytan at November 14, 2009, 10:21 am

bago magunaw ang mundo. mag aasawa muna ako ng madami. at bubuntisin ko sabaysabay. para mataste ko ang ibat ibang babae.
sayang nman. :) teyker.
sabi ng aking prof. kukunin nadaw ng diyos ang mga walang tatak ng 666 sa year 2012. at ang lahat ng may sign ng 666 ay maiiwan at magsisimula ng bagong age na pangungunahan ni satan. tska si kris aquino umiyak siya dahil may tatak sya ng 666 na nakita niya sa kanyang credit card. kaya NO to 666. sa dimonyo lng yan.
:)

Posted by 19doom75 at November 14, 2009, 10:29 am

for me its not true

bat kit ba kayo maniniwala kahit pa

napanood ko ang 2012 d ako naniniwala

paano na lng ko magyari sa mundo ta

ano kaya ang mayayari d ko pa nga nakikita ang love ko 2008 ko syang huling nakita tapos mawawala na lng na mundo dapat baho ma wala ang

mundo kahit 1 kiss lng

masaya na ako

Posted by hannah at December 3, 2009, 7:19 pm

puro kalokohan lang naman ang mga prediction ng mga western people.

nung year 2000 sabe end of the world daw
tapos sa 2012 end of d world na nmn?

baka magugunaw lng ang america.

Posted by critic at December 7, 2009, 9:20 am

@para sa lahat -ay bongga ang balitak-takan ng mga commentators ko. nakaka-loka kayo! bahala na kayo sa paniniwalaan nyo. basta ako naniniwala ako na maganda ako! tapos!

Posted by tambayannibyter at December 10, 2009, 11:57 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment