Home » Archives » 25. April 2008
Pau-thought of the Week:
Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.

Top 13 Anti-Boredom Activities

April 25, 2008

Last Saturday umuwi ako sa aming farm (kunwaring farm actually limang dipa at kunting bukid lang po yun) for weekend break.  Sa bukid walang internet, kasi di pa umabot doon ang DSL at SmartBro, so diet muna sa Internet at sa kasamaang palad nag brownout pa ng boung araw.  At hindi doon nagtatapos ang kamalasan nang araw na iyon, bigla pang nabobo ang Smart hindi ako makapag-send ng text.  Arrggg….para akong ma-windang sa sobrang boredom.  As usual, dahil walang ibang mapaglibangan back to my favorite pastime ako, ang mag-excavate ng toneladang kulangot at gawing mini-jolens (ewwss…gross!).   After several minutes, wala na akong mahukay na precious gems sa ilong ko at lumaki na ng husto ang butas na parang butas ng tubo sa main pipeline ng nawasa.   Mag pa-practice na naman sana ako kung paano matulog na dilat ang mata, mabuti nalang nag-text ang aking feeling genius ng kaibigan ng mga tips at activities kung paano labanan ang boredom.

Ang 13 Utos para sa mga nababagot: 

  1. Kumuha ng 500 grams na pack ng kape at papakin kunwari milo.
  2. Punuin ng tubig ang inodoro.
  3. Baklasin ang TV at gawing radio pagkatapos baklasin ang radio at gawing TV.
  4. Pag-aralan ang wika ng mga ipis at kausapin sila na tabuyin ang mga daga.
  5. Pagkasyahin ang sarili sa ref.
  6. Magbilang ng buhok ng pusa (kung wala kayong pusa magbilang ng buhok ng daga).
  7. Pagkatapos kumain, magtutpik gamit ang tubo.
  8. Mangulangot gamit ang piko.
  9. Magsibak ng kahoy gamit ang blade.
  10. Tinidorin ang sabaw.
  11. Bigkasin ng pabaliktad ang alpabet sa loob ng 1 minuto.
  12. Lunukin ang mouse (ng PC) at sumigaw ng DARNA!
  13. I-disassemble mo ang iyong sarili at buo-in ulit na parang Jigsaw Puzzle.

Ikaw ano ginagawa mo pag bored ka? 

P.S. Pag nagawa mo na lahat ng activities na to at boring parin ang araw mo, email mo ako bigyan kita ng mas matindi pang mapaglibangan. 

Posted by tambayannibyter at 2:42 pm | permalink | comments[3]