Home » Archives » 17. April 2008
Pau-thought of the Week:
Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.

HAVE YOU EATEN ENOUGH FIBER? YOUR EBAK WILL TELL YOU SO.

April 17, 2008

According to dieticians, doctors, medical researchers, nurses, midwives, komadrona, albularyo, hilot etc…etc… but most importantly according to my cousin na nursing student, that fiber is necessary to everyone’s diet because it prevents cancer and helps better digestion and bowel movement.  So, therefore, kung ayaw mong magka-kulani cancer at magbakasyon sa CR ng 3 oras dahil sobrang matigas ang ulo at nahihiya ang iyong ebaks na lumabas you have to eat fiber-rich foods.

          Pero ang tanong ng sambayanan , paano mo malaman kung have you eaten enough fiber?  Well, ang kasagutan ay nasa iyong makapangyarihan at mahiwagang ebak.  Yes, my friend, ang sagot ay makikita sa iyong makapangyarihan at mahiwagang ebak, as in tae, ipot, takla, shit, feces, human excrete, stool, dung, manure.  Hindi ka ba nagtataka kung bakit makapangyarihan at mahiwaga ang ebak?  Makapangyarihan  ang ebak kasi para itong hari na kinakakatakutan, kahit sinong matapang ay magdadalawang isip na tapakan ito.  At bihira lang ang may lakas ng loob na lapitan at hawakan ito, o di ba bongga, feeling royalty ang dating.  Sadyang napaka-hiwaga din ng ebak kasi kahit hindi tayo kumain ng kalabasa, mangga, papaya, carrots ay yellowish parin ang kulay paring magic di ba.   It becomes a problem kung hindi sya lumabas at naging problem din kapag madalas ang kanyang paglabas. Tsk..tsk..tsk…magical isn’t it?  Mahiwaga talaga.

          Well, balik tayo sa isyu about ebak as indicator of fiber-rich body.  According to the article from a magazine entitled “Are you sinker or floater?” (taena, akala ko talaga nang una about swimming ang article) your ebak is a real good indicator if your diet is fiber-rich.  Kapag mag-deposit ka sa iyong lifetime bank account huwag mo munang i-flush agab, lingunin mo at i-eye-to-eye ang iyong iniwang sama ng loob.  If naka-float ito, as in nakalutang sa sabaw ng inodoro that means you have eaten enough fiber.  But if it sink, as in nakasisid sa water it means you don’t have enough fiber in your diet.  Simple as that.  So, next time na magdeposit ka sa iyong banko lumingon ka sa iyong nakaraan, does it float or it sink? 

          This gross topic was inspired by my special friend (kasi sabi nya special child sya, and I absolutely agree with it) na itago natin sa pangalang Gerel.

Posted by tambayannibyter at 4:54 pm | permalink | comments[2]