Home » Post Item » Why Boxers Shorts?
Pau-thought of the Week:
Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.

Why Boxers Shorts?

April 1, 2008

Well, ang mga matatalino talagang kagaya ko ay hindi tumitigil sa pagtanong at pagtuklas ng mga sagot sa kung anong mga anik-anik sa world natin.  Yesterday habang kunwaring (actually nakikibasa lang ako) pumili ng libro sa Booksale I overheard two guys comparing the advantages and disadvantages of wearing boxer shorts and brief.  Parang debate kumbaga yung isa sa affirmative side, pro-boxer short at ang isang guy naman negative side pro-brief.  Actually hindi naman ako interested about the pros and cons of wearing boxer’s or brief kasi hindi naman ako nagsusuot nun.  But then again, my coconut milking brain (translation: gumagatang utak) ay biglang napaisip. Bakit kaya boxer short ang tawag dun?  Hindi naman ito kamukha ng mga shorts na sout ng mga boxers kung nag-uumbagan at nag-yayakapan sila sa loob ng boxing ring? 

 

Tingnan ang evidence number 1: 

   
Ito ang Boxer short
   

 

Ito naman ang shorts ng mga boxers

Kayo na ang mag-judge (pwede nyo yang i-judge kasi hindi yan book, at saka wala syang cover kaya pwedeng-pwede i-judge) magkapareho ba ang boxer’s short at ang short na sout ng mga boksidor?

 
Evidence number 2:

Ito yung boxer short na binebenta sa ebay.com (hindi po kasama ang model)

  
Ito naman ang boxing short ni Pacman ni on-sale sa ebay.com(buti na lang hindi nag model sa Pacquiao dito)

Mukha bang boxer’s short ang short ni Pacman? 

Ano kaya ang itsura ng boxer short na mukhang boxer short talaga? Na-picture out ko sa aking beautiful mind ang picture ng boxer short na kagaya ng boxer short ng mga boxers (parang ang gulo ng sentence, sana   Dapat nakalagay ang lastname mo sa front ng beywang ng short tapos ang nickname mo dun sa backside ng beywang.  Sa right na laylayan naka burda dapat ang Philippine flag para nationalistic ang dating, tapos bandang taas ng flag may malaking logo ng Talk ‘n Text (or depende sa simcard na gamit mo), then sa left side naman may logo ng Alaxan at Magic Sing.  Sa backside naman naka burda ang Motolite Pangmatagalan, Darlington Sucks Socks at NoFear.  Tapos dun sa mga spaces na natira pwede dun isabit ang logo ng Aling Bebang Store, Fishball ni Ambo, Tambayan ni Byter, Mabuhay Funeral Homes, Garalgal KTV, Siopao ni Nena at kung ano-ano pa tapos may flaming-flaming accent ever pa. Shuuckkkss….ang sagwa.  Sinubukan kong i-photoshop ngunit, subalit, datapwa’t hindi kaya ng expertise ko na gawin ang naaayon sa diskripyon. Sobrang hirap! ma getz nyo ang what I mean…).    Again ang tanong, bakit boxer short ang tawag sa boxer short?  Hindi naman ito kamukha ng short ng mga boxer’s.  Nagtataka ka rin ba?  Kung ganon, pareho na tayong nagtataka…

Kung may-alam ka sa isyung ito, ipaliwanag mo sa akin…. 

 

 

 

 


Posted by tambayannibyter at 12:37 pm | permalink

Previous Comments

http://en.wikipedia.org/wiki/Boxer_shorts

Napaisip rin ako tungkol sa boxers haha

Ang kulit sana naiphotoshop mo nga yun pinagplanuhan mo gawin sigro laugh trip yun.

Peace.

Posted by ozy at April 9, 2008, 3:22 pm

@ozy -ozzz, i-photoshop mo kaya tapos ako na bahala mag post dito… kumbaga ikaw yung guest photo artist ko….charotttt!!!!

Posted by tambayannibyter at April 11, 2008, 5:16 pm

Ako pro-boxers… hindi ako experto sa larangan ng boxing kundi isang masugid na nagsusuot ng boxer briefs (brieves, parang leaves=leaf) at boxer shorts. Mas presko kasi ito at mas nakakahinga ng maluwag ang aking kambal… hahaha! e, pag brief ang suot, naiipit sila at nagiinit, isa rin itong sanhi ng pagbaba ng spermcount sabi ng baklang manggugupit noong minsang napadaan ako sa quiapo. :) Salamat sa pag daan mo sa aking munting pahina… at kung ikaw nga ang nasa silhouette sa banner mo sa itaas… PUWES! pareho tayong sexy! BOOM!

@mix -Mabuhay tayong mga SEXY! Yoohoo!!! Ang galing pala ng pala ng babero mo, ang daming alam tunglok sa mga sperm. Link kita agent Halo-Halo, sana i-link back mo rin ako. Madaming salamat sa iyong pagbisista.

Posted by mixglorioso at April 23, 2008, 7:57 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment