Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.
Why Boxers Shorts?
April 1, 2008Well, ang mga matatalino talagang kagaya ko ay hindi tumitigil sa pagtanong at pagtuklas ng mga sagot sa kung anong mga anik-anik sa world natin. Yesterday habang kunwaring (actually nakikibasa lang ako) pumili ng libro sa Booksale I overheard two guys comparing the advantages and disadvantages of wearing boxer shorts and brief. Parang debate kumbaga yung isa sa affirmative side, pro-boxer short at ang isang guy naman negative side pro-brief. Actually hindi naman ako interested about the pros and cons of wearing boxer’s or brief kasi hindi naman ako nagsusuot nun. But then again, my coconut milking brain (translation: gumagatang utak) ay biglang napaisip. Bakit kaya boxer short ang tawag dun? Hindi naman ito kamukha ng mga shorts na sout ng mga boxers kung nag-uumbagan at nag-yayakapan sila sa loob ng boxing ring?
Tingnan ang evidence number 1:
Ito naman ang shorts ng mga boxers
Kayo na ang mag-judge (pwede nyo yang i-judge kasi hindi yan book, at saka wala syang cover kaya pwedeng-pwede i-judge) magkapareho ba ang boxer’s short at ang short na sout ng mga boksidor?
Evidence number 2:
Ito yung boxer short na binebenta sa ebay.com (hindi po kasama ang model)
Ito naman ang boxing short ni Pacman ni on-sale sa ebay.com(buti na lang hindi nag model sa Pacquiao dito)
Mukha bang boxer’s short ang short ni Pacman?
Kung may-alam ka sa isyung ito, ipaliwanag mo sa akin….







