Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.
Top 13 Anti-Boredom Activities
April 25, 2008Last Saturday umuwi ako sa aming farm (kunwaring farm actually limang dipa at kunting bukid lang po yun) for weekend break. Sa bukid walang internet, kasi di pa umabot doon ang DSL at SmartBro, so diet muna sa Internet at sa kasamaang palad nag brownout pa ng boung araw. At hindi doon nagtatapos ang kamalasan nang araw na iyon, bigla pang nabobo ang Smart hindi ako makapag-send ng text. Arrggg….para akong ma-windang sa sobrang boredom. As usual, dahil walang ibang mapaglibangan back to my favorite pastime ako, ang mag-excavate ng toneladang kulangot at gawing mini-jolens (ewwss…gross!). After several minutes, wala na akong mahukay na precious gems sa ilong ko at lumaki na ng husto ang butas na parang butas ng tubo sa main pipeline ng nawasa. Mag pa-practice na naman
Ang 13 Utos para sa mga nababagot:
- Kumuha ng 500 grams na pack ng kape at papakin kunwari milo.
- Punuin ng tubig ang inodoro.
- Baklasin ang TV at gawing radio pagkatapos baklasin ang radio at gawing TV.
- Pag-aralan ang wika ng mga ipis at kausapin sila na tabuyin ang mga daga.
- Pagkasyahin ang sarili sa ref.
- Magbilang ng buhok ng pusa (kung wala kayong pusa magbilang ng buhok ng daga).
- Pagkatapos kumain, magtutpik gamit ang tubo.
- Mangulangot gamit ang piko.
- Magsibak ng kahoy gamit ang blade.
- Tinidorin ang sabaw.
- Bigkasin ng pabaliktad ang alpabet sa loob ng 1 minuto.
- Lunukin ang mouse (ng PC) at sumigaw ng DARNA!
- I-disassemble mo ang iyong sarili at buo-in ulit na parang Jigsaw Puzzle.
Ikaw ano ginagawa mo pag bored ka?
P.S. Pag nagawa mo na lahat ng activities na to at boring parin ang araw mo, email mo ako bigyan kita ng mas matindi pang mapaglibangan.
HAVE YOU EATEN ENOUGH FIBER? YOUR EBAK WILL TELL YOU SO.
April 17, 2008According to dieticians, doctors, medical researchers, nurses, midwives, komadrona, albularyo, hilot etc…etc… but most importantly according to my cousin na nursing student, that fiber is necessary to everyone’s diet because it prevents cancer and helps better digestion and bowel movement. So, therefore, kung ayaw mong magka-kulani cancer at magbakasyon sa CR ng 3 oras dahil sobrang matigas ang ulo at nahihiya ang iyong ebaks na lumabas you have to eat fiber-rich foods.
Pero ang tanong ng sambayanan , paano mo malaman kung have you eaten enough fiber? Well, ang kasagutan ay nasa iyong makapangyarihan at mahiwagang ebak. Yes, my friend, ang sagot ay makikita sa iyong makapangyarihan at mahiwagang ebak, as in tae, ipot, takla, shit, feces, human excrete, stool, dung, manure. Hindi ka ba nagtataka kung bakit makapangyarihan at mahiwaga ang ebak? Makapangyarihan ang ebak kasi para itong hari na kinakakatakutan, kahit sinong matapang ay magdadalawang isip na tapakan ito. At bihira lang ang may lakas ng loob na lapitan at hawakan ito, o di ba bongga, feeling royalty ang dating. Sadyang napaka-hiwaga din ng ebak kasi kahit hindi tayo kumain ng kalabasa, mangga, papaya, carrots ay yellowish parin ang kulay paring magic di ba. It becomes a problem kung hindi sya lumabas at naging problem din kapag madalas ang kanyang paglabas. Tsk..tsk..tsk…magical isn’t it? Mahiwaga talaga.
Well, balik tayo sa isyu about ebak as indicator of fiber-rich body. According to the article from a magazine entitled “Are you sinker or floater?” (taena, akala ko talaga nang una about swimming ang article) your ebak is a real good indicator if your diet is fiber-rich. Kapag mag-deposit ka sa iyong lifetime bank account huwag mo munang i-flush agab, lingunin mo at i-eye-to-eye ang iyong iniwang sama ng loob. If naka-float ito, as in nakalutang sa sabaw ng inodoro that means you have eaten enough fiber. But if it sink, as in nakasisid sa water it means you don’t have enough fiber in your diet. Simple as that. So, next time na magdeposit ka sa iyong banko lumingon ka sa iyong nakaraan, does it float or it sink?
This gross topic was inspired by my special friend (kasi sabi nya special child sya, and I absolutely agree with it) na itago natin sa pangalang Gerel.
Why Boxers Shorts?
April 1, 2008Well, ang mga matatalino talagang kagaya ko ay hindi tumitigil sa pagtanong at pagtuklas ng mga sagot sa kung anong mga anik-anik sa world natin. Yesterday habang kunwaring (actually nakikibasa lang ako) pumili ng libro sa Booksale I overheard two guys comparing the advantages and disadvantages of wearing boxer shorts and brief. Parang debate kumbaga yung isa sa affirmative side, pro-boxer short at ang isang guy naman negative side pro-brief. Actually hindi naman ako interested about the pros and cons of wearing boxer’s or brief kasi hindi naman ako nagsusuot nun. But then again, my coconut milking brain (translation: gumagatang utak) ay biglang napaisip. Bakit kaya boxer short ang tawag dun? Hindi naman ito kamukha ng mga shorts na sout ng mga boxers kung nag-uumbagan at nag-yayakapan sila sa loob ng boxing ring?
Tingnan ang evidence number 1:
Ito naman ang shorts ng mga boxers
Kayo na ang mag-judge (pwede nyo yang i-judge kasi hindi yan book, at saka wala syang cover kaya pwedeng-pwede i-judge) magkapareho ba ang boxer’s short at ang short na sout ng mga boksidor?
Evidence number 2:
Ito yung boxer short na binebenta sa ebay.com (hindi po kasama ang model)
Ito naman ang boxing short ni Pacman ni on-sale sa ebay.com(buti na lang hindi nag model sa Pacquiao dito)
Mukha bang boxer’s short ang short ni Pacman?
Kung may-alam ka sa isyung ito, ipaliwanag mo sa akin….








