Home » Archives » 28. March 2008
Pau-thought of the Week:
Always remember no matter how bad you are, you are not totally useless. You can always be use as a bad example.

Ang Unano at ang Batalyon PiTVul

March 28, 2008

Umpisahan ko ang usaping ito with a prayer:

Aba Naman Gloria, Puno Ka Na Nang Grasya!
         Ang Yaman Ng Bansa Ay Sumaiyo Na.
         Sa Husay Ni Garci Naging Pekeng Pangulo Ka
         Bukod Kang Mandaraya Sa Babaeng Lahat.
         Pinagpala Rin Mangurakot, Asawa’t Mo’t Anak.
         Kaya’t Sa Amin Wala Ng Natira.
         Konsensyahin Ka Nawa.

Amen!

 
       I was inspired by the blog posted by Badoodles in KwentongBarbero.com kaya naisip ko paano kaya kung gagawa din tayo ng pinoy version ng Vantage Point.  Una kong pinag-isipan kung ano kaya magiging title ng movie.  Suggestion ng isang mentally challenge (kasi sabi nya special sya) na friend ko “Erotcism in the Palace” daw, pero feeling ayaw i-approve ng MTRCB pang x-rated kasi ang dating.  So, naisip ko para pang action/horror movie ang dating “Ang Unano at Ang Batalyon PiTVul”.  Talaga namang eye-catching title palang pang-oscar’s na.  Please ‘wag nyong i-correct ang title hindi wrong spelling yan (best in spelling yata ako sa graduate school).  Bakit PiTVul? Kasi ang mga madder packing tapes na politicians na yan ay parang mga hybrid ng Piranha, Tiger at Vulture.  Sobra silang greedy.  Before politicians are just compared to crocodiles, right now crocodile alone cannot justify the greed of this madder packing tapes politicians.  By nature, if crocodile are not hungry they don’t attack (unless you attack them first) kumbaga pag-busog na sila enough na yun.  That is really different from the attitude of those 3-inches stiletto hells greedy politicians, they never get contented, they never got enough. They just keep on sucking our bloods and eating our flesh!       
   

Sucking our bloods and tearing our flesh.  They never get enough, ‘pag nabusong na yung piranha nature nila ang vulture nature naman ang titira then after the vulture, tiger mode na naman sila, then balik ulit sa piranha mode…nakowzzz it becomes an incessant cycle kumbaga sa programming ito yung tinatawag naming infinite loop paulit-ulit, pabalik-pabalik hanggang sumuko ang system.  Walang katapusang corruption, panlilinlang at pagsasamantala sa ating mga Pilipino.

        Lately, sumikat ng husto and ZTE-NBN Deal Scandal (as if bagong issue) because of the appearance of the “star” witness dawn a si Rodolfo “Jun” Lozada, Jr. (na may kasamang extrang madre at pari) its constantly on the news lahat na yata ng medium of communication except the smoke signal ay nagbabalita ng tungkol sa isyu ng ZTE-NBN Scandal.  I’m wondering na pati yata citizens ng Planet Mars at Planet Yekok (home planet yun ni Kokey in case you don’t know) ay aware na sa ZTE-NBN issue.  Everyday nalang puro ZTE-NBN Senate Probe ang makikita mo sa tv, Internet, at radio (sorry hindi mo pala makikita yun sa radio).  Kabi-kabila ang mga Mass for Unity, Mass for the Truth, Mass for Nation Enlightenment at kung anu-ano pang ka-etchosan na mass kulang nalang masskara, masking tape, at mast@r#%e.  At lately parang laging may fiesta ng Quiapo sa Makati sa sobrang daming tao na nagrarally, gusto na naman nila ng isa pang EDSA.  Kawawa naman kung sakali ang mga batang nag-aaral kasi dagdag na naman sa dapat i-memorize sa Philippine History na subject, buti nalang graduate na ako.  But actually I’m anticipating of EDSA 101 sa history ng Pilipinas before ako matigok, shucckkss, sobrang daming dapat i-memorize nun I pity the next generation. 

        Actually, I’m so tired of the issue na talaga.  How could I watch MYX countdown, cartoon network, Disney channel and American idol if my too-political conscious housemates are so engrossed watching senate inquiries, interviews, face-offs and debates of Jun Lozada and the Bataylon PitVuls? Baka mabatukan pa ako pagnilipat ko ang channel.  Pero infairness sobrang sikat na ngayon si Jun Lozada may fans club na yata siya si Tita Cory ang president at mga sisters at fathers ang mga officers.  At hindi na rin ako magtataka if one day maging commercial endorser na sya, bongga di ba?

        At one band (translation: sa isang banda) its nice to know that our elected senators and congressmen are working their ass off (mahirap di kayang magnakaw…), imagine according to one our senator and I quote “ang trabaho naming dito ay alamin kung ano ang totoo at kung sino at nagsasabi ng totoo”.  Whatta mader packing sheets of paper!  Para na rin nilang sinabi na uulan ng snow sa ‘Pinas bukas, kasi they’re talking about impossibility.  How could you know the truth if what is spoken and heard are lies?  How would you know of who’s telling the truth if everybody is lying?  Bunch of PitVul!

        Those PitVuls are willing to sell the Philippines, including us if the price is right.  Kasehodang magtitiis ang boung sambayanan as long as nag-uumapaw ang Swiss accounts nila.  Wala silang paki-alam kung kahit asin ay walang pansahog sa kaning totong ang mga taga-Payatas basta sila merong milyones na properties.  Ano ba paki-alam nila kung may libo-libong batang Pilipino ang hindi makapag-aral as long as naka-enroll sa exclusive schools abroad ang mga anak nilang mga adik.  They don’t care if mamatay tayong dilat ang mata sa gutom as long as they have Armani on their backs, Vuitton on their feet and glittering diamonds on their fingers.  Sampo ang kanilang luxury cars, samantalang ang mga street children ay hindi man lang makabili ng isang pares ng tsinilas.  Bloodsucking PitVuls!

        Everytime na maiisip ko kung gaano kadaming novels, jolly spaghetti at chicken joy ang mabibili ko sa laki ng binabayaran kong tax every month, shuccksss, lumalaki butas ng ilong ko, dumadami ang pimples ko, nagugulo ang bagong relax kong hair.  Ok lang naman sana yun kung tinutulong nila sa mga mahihirap na kagaya ko, o di kaya ipambili ng matitinong textbooks (hindi yung mali-mali ang mga facts na nakasulat).  Kaso ang problema ililimos nila sa mahihirap ang 10 piso tapos ibubulsa nila ang 990.  Tama ba ‘yun?  Is that right?  Fair ba ‘yun?  Hindi!  It’s unfair, it’s unfair, it’s unfair at isa pang it’s unfair! 

        Bago ko tapusin ang usaping ito, may message ako para kay unano at sa mga batalyon PitVul.

        Mamatay din Kayo!!!!!!  Hindi kayo aabot ng 200 mamamatay din kayo.   You are all MADER PACKING SHEET OF PAPERS!!!!                   

Posted by tambayannibyter at 1:47 pm | permalink | Add comment